Dose anyos pa lang ako nang tayo’y magkakilala
Mabilis tayong naging close sa isa’t isa
Sa lahat ng pagtitipon ay laging nandun ka
Sa fair, acquaintance, JS, at batch night out pa
Kung walang event, tambay na lang sa pagoda
Minsan naman, sa library magti-tiyaga
At ang mga pavillion ay iisa-isahin pa
At minsan (o madalas) sa pink house ang punta
Nguni’t sa dami ng ala-ala, ang tumatak sakin ay iisa
Kaibigan mo nga ako, pero kaibigan ka rin nila
kaya’t walang pisnging papahiran, at luhang pipigilin
walang hikbing itatago, walang lungkot na kikimkimin
Dahil bukas sa bago mong lilipatan
Silang kabataan naman, bagong ala-ala gagawan
Sonetong Alay sa UPIS
rondevera | 06MAR2011